0
-->


By REY ­PU­MALOY

Totoo nga na kahit hindi magtrabaho sa showbiz si Kris Aquino o magkaroon ng anumang TV show na katulad ng dati niyang career sa Kapamilya network, mabubuhay ito ng marangya.

Makikita sa mga posts ni Kris sa kanyang Instagram account ang marami niyang fastfood business. Ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram account ang ilan sa mga fastfood business niya sa kasaluku­yan. Nalantad na apat ang negosyong pinatatakbo ni Kris sa kasalukuyan at madadagdagan pa ng isa.

Sunud-sunod na nag-post si Kris ng mga pagbisita niya sa mga fastfood business niya gaya ng Chowking sa Alimall Cubao, renovation ng Mang Inasal sa Anonas Q.C., Potato Corner stall sa Eastwood Citywalk, Nacho Bimby sa Eastwood Mall at ang itatayo pa lang na panibagong franchise niya ng Chowking sa may Welcome Rotonda.


Dahil sa posts na ito ay mas lalong nakumbinse ang netizens na hindi kailangang bumalik ni Kris sa showbiz o magkaroon uli ng TV show dahil buhay na ito sa mga negosyo pa lang.
Mang Kepweng, wagi!

Sumang-ayon si Direk GB Sampedro sa pagbawi ng FPJ award sa Oro dahil sa isyu ng animal cruelty. Ayon kay Direk GB, naiintindihan niya ang pagbawi dahil nakasalalay sa image ng FPJ award ang kredibilidad nito.

Mabilis na sinagot ni Direk GB ang tanong na kung sa kanya natoka ang pagdidirek ng movie, magiging sensitive rin ba siya sa eksena na gaya ng pagpatay sa aso?

Tugon ni Direk GB, hindi niya magagawang pumatay ng aso sa pelikula niya dahil unang-una, takot siya sa aso.

Si Direk GB ang director ng Mang Kepweng Returns ni Vhong Navarro. Hindi pinalad na makasama sa MMFF 2016 ang movie, pero tanggap niya na baka hindi talaga pasado sa panlasa ng screening committee ang kanyang pelikula.

Anyway, hindi nabigo ang buong team ng Mang Kepweng Returns dahil sa special scree­ning para sa media na ginanap sa Trinoma, puno ang sinehan sa rami ng mga nanood na fans na kasabay ng press.

Nakakaaliw ang pelikula at tila may sumunod na sa yapak ng yumaong comedy movie director na si Wenn Deramas. Nakakatawa ang maraming eksena sa pelikula pati na ang mga bitaw ng dialogue.

[Source]

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

Labels

#LeniLeaks ABS-CBN Abu Sayyaf Acosta Alvarez AMLC Andanar Andres Bautista Angara Antonio Contreras Aquino Arroyo Bam Aquino Baste Duterte Bato Dela Rosa Belgica Ben Tulfo Bilibid Binay Bruce Reviera Cambodia Cayetano CBCP Cesar Mancao China Chinese CHR CIDG CNN Cojuangco Colangco COMELEC Cynthia Patag Cyrish Magalang Danny Javier De Lima Death Penalty DENR Dick Gordon DOJ Donald Trump DPWH Drilon Drugs DSWD Duterte Edgar Matobato Enrile Erap Estrada Erwin Tulfo Espinosa Ferdinand Marcos Fidel Ramos Fraternity Goldberg Gordon Grace Poe Hero's Burial Honasan HongKong Hontiveros Human Trafficking Israel Jack Lam Janeth Napoles Jaybee Sebastian Jim Paredes Jinggoy Estrada Jovie Espinido Karen Bordador Kat De Castro Kerwin Espinosa Kiko Pangilinan Korina Sanchez Kris Aquino Krista Miller Krizette Chu Lacson Lagman Leila de Lima Leni Leni Robredo Liberal Party Loida Lewis LTFRB LTO Maharlika Manny Pacquiao Manny Piñol Mar Roxas Marcos Martial Law Marvin Marcos Matobato Maute MILF Mitzi Joy Balunsay Mocha Uson Morales MTRCB Muslim National ID NBI News Ninoy Aquino Noli de Castro Noynoy Aquino Nur Misuari Ochoa OFW Oligarch Panelo Peter Lim PNP Police Pope Francis Prostitution PTV4 Raffy Tulfo Rape Recto Renato Reyes Ricardo Saludo Richard King Risa Hontiveros Robin Padilla Rody Duterte Rolando Espinosa Romualdez Ronnie Dayan Rosalez Roxas Russia SAF44 Sandra Cam Sara Duterte Sasot Saudi Arabia SC Senate Hearing Sereno Smartmatic Sotto Supreme Court Survey Theresa May Trillanes UN USA Vicente Loot Video Viral Vitaliano Aguirre World Bank Yolanda Zambales
 
Top